Beecool

“Bakit parang ang bilis?” tanong ng katabi ko sa van pabalik ng siyudad ng Naga alas dose eksato ng tanghali. Tinanong ko muna ang dispatser kung puwede kung makita ang itsura ng mamang tsuper. Hindi kasi naramdaman ng likod ko ang upuan ng sasakyan noong umalis iyong van na sinakyan ko alas nueve ng umaga papunta ulit ng Legaspi. Ibig sabihin kaskasero si mamang drayber at kahit pinagsasabihan na ng mga pasahero dahil sa walang humpay na pag oovertake sa mga malalaking sasakyan, makulit pa rin si manong. Hindi ko nga lang natandaan iyung numero ng plaka dahil sa pagmamadali sa pagbaba pero hindi ko naman nakalimutan ang itsura niya.

First taym noong katabi ko papuntang Naga galing ng Manila para gumawa ng test call sa Sun Cellular. Balak niya daw sanang pumunta sa Cagsawa Ruins kasi halos tatlong oras pa siyang nag-antay sa pagbubukas ng Pacific Mall. Alas siyete kasi ng umaga dumating iyung eroplanong sinakyan niya. Naku, may kamahalan din pala ang singil ng taxi galing ng Legaspi papuntang Ruins. P1, 500 isang biyahe. Samantalang sa jeep, bente pesos laang.

Mabilis lang talaga iyung pakay ko sa pagbabalik ko doon. Halos kalahating oras lang ako nakipag usap sa isang ahensya ng gobyerno, labing limang minuto sa paghahanap ng sisidlan ng pasalubong para sa pagluwas sa Abril. Mas mahaba pa nga iyung apat na oras na biyahe kaysa sa inilagi ko doon. Laking pasasalamat ko ng makabalik agad ako dako ng alas dos ng hapon ng ligtas.

Sa konting oras ng paghahanap, nabighani na naman ako sa pagiging malikhain ng mga Bicolano.

“Bicol made products”

egg shaped lampshade

placemat

pottery from Tiwi, Albay

nito chair

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s