i will survive

And so Im back from outer space…

Maaga akong nagpahatid sa drayber galing ng Tagaytay papuntang Alabang; 7:30 ng gabi andoon na ako.  Dumaan kami ng Susana exit para mas madali.  8:30 kasi ang pickup time ng Penafrancia bus.  Hindi ko na talaga kayang bumalik pa ngayong gabi.  Eto nga at gising pa rin ako simula kagabi.  Hinabol ko kasi iyong uncle ko na umalis rin ngayong araw na ito patungong North America.  Daming bilin kasi.

Mausok, maingay, nakaliliyong amoy ng sigarilyo ng mga taong dumaraan.  Ordinaryong tanawin na aking napansin sa aking paghihintay na inabot ng halos dalawang oras sa bus na sinakyan ko kagabi.  Kumbaga, sabi nila humaba na iyong leeg ko sa kahihintay at nakailang ulit na rin akong lumipat ng puwesto.  Iyung una kasing inupuan ko habang nakikipanood ako ng telebisyon sa isang carinderia, hindi ko napansin na may tao sa likuran ko.  Paglingon ko, isang lalaking walang t-shirt ang umupo rin sa dulo ng inuupuan ko ang aking nakita. Ang payat niya at halos lumuwa na iyong mata niya, tapos nakatingin pa siya sa akin.  Alam ko pagkakita ko pa lang  na mayroong pagkakaiba sa kanya. Tama ako, baliw pala. Pinakiusapan ko yung nagbabantay na baka puwedeng niya itong paalisin pero ayaw talaga kahit anong pilit.  Naawa daw siya na saktan iyong tao.  Tama nga naman, wala siyang karapatan na saktan iyong tao. Kaya, kahit ang bigat noong knapsack ko, umalis na lang ako sa kinauupuan ko.

9:15 pm ng nakita ko yung logo ng penafrancia, nabuhayan ako ng loob at dali dali kung pinara ang sasakyan.  Hindi na talaga ako makapag-antay.  kailangan pa palang itanong kung may ticket. Habang winawagayway ko iyong ticket sinisigaw ko naman ang mga katagang “igwa, igwa”.  Natrapik daw kasi sila.

Nakahinga na rin ako kahit inabot pa ng halos sampung oras ang biyahe.  Hindi kasi magtugma ang mga schedules ko sa mga flights ng eroplano.  And speaking of flights, ito nag aantay pa rin ako sa updates para sa mga flights papuntang Europa, partikular na iyong KLM flights.  Cancellend kasi ang flights from and to Amsterdam since Friday dahil sa Southern Iceland’s Eyjafjallajokull volcanic ashes.

DL ko pa muna iyung mga shots para sa sunod may maipakita na ako. 🙂

Advertisements

4 thoughts on “i will survive

  1. luns, astig ka palan mag-tagalog! hehe. panis ako luns, panis na panis. i wouldn’t have thought of the word, “nakakaliyong”. I don’t even know that a word like that exists. 🙂 saludo!

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s