16th of September, 2010

Makalipas ang ilang minuto pagkatapos ng alas sais ng umaga, tinahak namin ang daan papuntang Mayon Rest House. Balak sana namin puntahan muna ang Kawa-Kawa Hills sa Tuburan, Ligao City. Ano ba ang mayroon sa burol na matatagpuan sa Ligao na kung saan ay madaraanan din papuntang Mayon Rest House?

Ito ang daan papunta sa burol. Noong nalaman ko na may dadaanan pang “14 Station of the Cross”, ipinagpaliban muna namin ang pag-akyat. Ano bang makikita kasi mula sa burol? Makikita dito ang tanawin ng kabuuang siyudad ng Ligao at Bulkan Mayon. Bakit naman kaya tinawag na “Kawakawa”? Kapag nasa burol kasi, sa ibaba nito makikita ang animo’y kawangis ng isang malaking kawa (Chinese wok) na kung saan ay natatamnan ng isang uri ng palay na kung tawagin ay “Dinorado”.

Makikita rin ito sa taas ng burol ngunit minabuti na namin na tahakin ang landas papuntang rest house. Dumaan kami ng Tabaco City. Hinanap muna namin ang Dhio Endheka Spring Resort sa Buang, Tabaco, Albay.

Ito kasi ang palatandaan ng kalsadang paakyat ng Mayon Rest house.Halos labing limang taon na rin ang nakalipas mula ng unang pagpunta ko sa rest house. Napakalaki nga ng ipinagbago ng lugar.

Mayroon na ngang Mayon Planetarium

“Alin ang maganda?”, tanong ng kaibigan ko na kadarating lang noong a-dose galing ng Canada. May bibigyan daw kasi siya. ” Sabi ko naman, “yung mura lang pero maganda”. Paulit-ulit ko siyang tinanong kung para kanino pero ang tanging sagot niya lang ay “basta”. Nagulat na lamang ako ng iabot niya ito sa akin pagkatapos niya itong bayaran. Kita mo naman iyung tuwa ko. Hinawakan ko ito na parang tropeo.

Siyempre, hindi mawawala ang kagandahan ng mga larawan ng mga gumamelang ito. Pagkagaling namin sa rest house, tinungo namin ang Gaisano Mall sa Legaspi para mananghalian. Sunod naming pinuntahan ang Albay Wild Life Park at ang huling pinuntahan namin ay ang Cagsawa Ruins sa Daraga, Albay.

Bukas bibisitahin ko ang lugar na pagdadausan ng kauna-unahang CamSur Marathon 2010.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s