Bagong Simula

Ikaw, Ako, Tayo  ang bagong simula.

Manigong Bagong Taon sa ating lahat!

Tradisyon na sa amin na lumabas at magbiyahe sa unang araw ng taon papunta sa lugar kung saan ang aming mga magulang ay naroon.  Maaga naming tinatahak ang daan sa pagputok ng Bagong Taon.  Hindi kami naniniwala sa kasabihang hindi puwedeng gumastos sa ika-1 ng Enero.  Asaan na kaya ang mga bagong mukha ng perang papel? Hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakikita, bagamat sabi ni Alyssa nasulyapan niya na ang mukha ng bagong bente pesos.

Sa taong ito, mga bandang hapon, sa loob ng bus terminal ay di mahulugang karayom, maswerte pa rin ako kasi nakasakay ako ng bus mga bandang alas sais ng hapon papuntang Maynila.  Eksaktong alas dos ng umaga dumating ang bus na sinakyan ko sa Cubao.  Kaunti pa lang ang mga tao.  Alam ko sa loob ng isipan ko kailangan kung maghanap ng matutuluyan para makatulog at makapagpahinga.  Lahat ng mga kaibigan ko at mga kapatid ko ay nagsiuwan, kaya una kung pinuntahan ang Fernandina Suite kaya nga lang P3,200 ang standard suite nila.  Iniwan ko ang nasabing hotel at naglakad-lakad pa hanggang sa dinala ako ng aking mga paa sa Fersal Inn sa P. Tuzaon,.  Mas mababa kaysa sa nauna kaya hindi na ako nag-atubili na kunin ang isang kwarto.

418-B- Maliit lang pero malinis at kahit may kalumaan yung National aircon unit, ito ay napakalamig.

ano naman kasi ginawa ko sa kabiserang lungsod ng Pinas?

nakikain, naki-jam, naki-get-to-know, nakitawa, at nakibisnis.


dumating ako kahapon na maraming baon at pasalubong…:D

isa sa mga baon

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s