Ikaw ang Kukumpleto sa Araw Ko

Simula na ng sembreak. Sa wakas, magkakaroon ng nararapat na panahon para sa sarili. Sa oras na ito, masasayang alaala lamang ang tanging ginugunita ko halimbawa na lamang ang mga pagkakataon na dala ng mga batang paslit na halos araw araw kung nakakasalamuha.

Si Austine- ang batang magiliw, masipag at maraming tanong. Higit sa lahat maraming napapansin kahit nasa murang edad pa lamang, limang taong gulang, napaka inosente.
Mahilig siyang magdala ng mga tsokolate at kendi na galing pang Singapore dahil doon nagtratrabaho ang tatay niya bilang isang tren drayber. Isang araw, naiwan niya yung mga natirang pagkain. Pagpasok niya kinaumagahan tinanong niya ang isang guro. “Nakita mo po ba yung natira kung pagkain?” “Ay, hindi po, pakihanap na lang sa mga eskaparate. Baka andoon lang ang mga iyon”, sabi ng kanyang tinanong. Hinanap ng bata at makaraan ang ilang minuto, tinuran ang mga katagang, “Hala, wala na baka kinain at inubos na yun ni teacher Luna”. Haha! Boom!

Marami pang mga pagkakataon na pinapasaya niya ako,at kung isusulat ko ng buo at detalyado, marahil mga ilang pahina ang kakailanganin ko.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s